
HOLIDAY KINDNESS:
How to Be an Ally to the LGBT Community This Christmas
Written By: FTS PridePulse
Sa tradisyon natin bilang mga Pilipino, ang Pasko ay panahon ng kabutihan, pagbibigayan, at pagkakaisa. Ito ang panahon kung kailan nagtitipon ang mga pamilya, nagbabalikan ang mga magkakaibigan, at ang bawat tahanan ay nagiging espasyo ng warmth at pag-asa. Ngunit sa gitna ng selebrasyon, mahalagang kilalanin natin na hindi lahat ay nakakaranas ng ganitong komportableng kapaskuhan, lalo na ang ilang miyembro ng LGBT community. Dahil dito, napakahalaga ng papel ng tunay na ally, lalo na sa panahong ito ng pagkalinga.
Ang pagiging ally ay hindi nangangailangan ng engrandeng hakbang. Nagsisimula ito sa simpleng pakikinig, pag-unawa, at pagrespeto. Para sa ilang LGBT individuals, ang Pasko ay maaaring maging panahon ng pressure or takot. Takot sa panghuhusga, sa mga biro na may halong discrimination, o sa hindi pagtanggap ng mga mahal sa buhay. Sa ganitong mga pagkakataon, ang paggamit ng tamang pangalan at pronouns, pag-offer ng affirming words, o pag-imbita sa kanila sa isang welcoming space ay maaaring magsilbing malaking regalong nagpaparamdam na sila ay kabilang.
Kasama rin sa pagiging tunay na ally ang pagiging intentional. Ibig sabihin, handa tayong mag-call out ng harmful comments, iwasan ang prejudice, at bantayan ang mga espasyo, bahay, opisina, komunidad, upang manatiling safe at inclusive para sa lahat. Mahalaga na ang Pasko ay hindi maging oras ng insensitive remarks o outdated beliefs. Bilang allies, tungkulin natin na tiyakin na ang dignity at respeto ay buo para sa bawat isa.
Hindi rin natin dapat kalimutan na ang pamilya ng LGBT individuals ay hindi palaging biological family. Minsan, ang tinatawag nating chosen family na mga kaibigan, kagrupo, kasama sa komunidad, ang siyang nagiging tunay na tahanan ng acceptance. Ang pag-welcome sa kanilang partner, companions, o mga taong nagbibigay sa kanila ng suporta ay isang konkretong paraan ng pagsasabuhay ng tunay na diwa ng Pasko. Ito ang pagtanggap sa lahat, nang walang kondisyon.
Sa huli, ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa selebrasyon kundi sa pagpapakita ng pag-ibig, paggalang, at malasakit. Sa pagiging ally na may puso, may malasakit, at may integridad, nakakatulong tayong lumikha ng lipunang mas makatao, mas mapagmahal, at mas patas. At sa paggawa nito, binibigyan natin ang bawat tao, anumang SOGIESC, ng pagkakataong maramdaman ang tunay na saya at kapayapaan na hatid ng Kapaskuhan.
Ngayong taon, magbigay tayo ng regalong higit pa sa material na bagay. Magbigay tayo ng kabutihan. Maging tunay na ally. At gawing mas makulay at mas ligtas ang Pasko para sa lahat.
