top of page

KALEL, 15: HIV at Lipunang Pilipino

  • Writer: Jerry Shangyin
    Jerry Shangyin
  • Dec 1, 2025
  • 3 min read


Ang Kalel, 15, directed by Jun Lana, ay pelikulang parang salamin na nagpapakita ng katotohanan na madalas natin iniwasan. Si Kalel, na ginampanan nang mahusay ni Elijah Canlas, ay isang 15-anyos na batang natuklasang HIV-positive. Labinlimang taon lang na teenager. Edad kung saan dapat apat puno ng pag-asa, laro, at pagtuklas ng sarili. Pero sa kanya, biglang naging mabigat ang buhay, dala ang sakit, stigma, at mga problemang hindi niya pinili.


Hindi lang basta kwento ng HIV ang ipinapakita ng pelikulang ito. Pinapakita rin nito ang iba’t ibang suliranin ng kabataan sa Pilipinas.



Una, ang di maalis na stigma sa HIV. Ito ay mga bulong, panghuhusga, at pag-iwas ng lipunan na mas mabigat pa sa mismong sakit. Dito mo ramdam kung bakit mahalaga ang World AIDS Day para wakasan ang diskriminasyon at palaganapin ang pag-unawa.


Ipinapakita rin ng pelikula ang carelessness ng mga kabataan tungkol sa sex. Hindi sinisisi si Kalel, pero ramdam mo kung gaano kahirap lumaki sa lipunang kulang sa tamang kaalaman at edukasyon sa sex. Madalas, natututo sila sa maling paraan o sa sikreto lang, kung saan doon nagmumula ang panganib at kalituhan.



Mas malala pa, ipinapakita rin ang bigat ng lumaking may problemadong magulang. Ang bahay ni Kalel, sa halip na ligtas na espasyo, ay puno ng kawalan ng gabay at emosyonal na suporta. Ipinapaalala sa atin na hindi lang HIV ang problema niya. Kasama rin dito ang kakulangan sa pagmamahal at proteksyon ng pamilya.



Isa pa sa matalim na critique ng pelikula ay ang Christian double moral standard. Sa isang banda, tinuturuan tayo ng lipunan at simbahan tungkol sa purity at morality, pero sa kabilang banda, sila rin ang nagtatakda ng kahihiyan at panghuhusga sa mga batang tulad ni Kalel. Ang kabataan na may HIV ay madalas naiwan sa gitna ng judgment at kakulangan ng suporta.


Sa gitna ng lahat ng ito, si Elijah Canlas ay isang tunay na kahanga-hangang aktor. Ramdam mo ang takot, pagkalito, at lungkot ni Kalel sa bawat eksena. Para kang nanonood ng totoong buhay na dahan-dahang bumibigat sa bata.


Ngayong World AIDS Day, ang kwento ni Kalel ay paalala sa atin na higit sa pagiging medical issue ng HIV ay isa din itong social issue. Kailangan natin ng edukasyon, compassion, at suporta para sa mga kabataang tulad niya. Dapat wakasan natin ang stigma, at bigyan sila ng espasyo at pag-asa na karapat-dapat sa kanila.


Kalel, 15 ang pelikula na magpapaiyak, magpapaisip, at magpaparamdam kung bakit mahalaga ang pagkalinga sa mga kabataan at sa mga taong may HIV. Ito ang kwento na hindi mo malilimutan. Ito ay kwento ng laban, lungkot, at pag-asa.


KALEL, 15: HIV at Lipunang Pilipino


A Film Review by: Jerry Shangyin

FTS LOBO-Chairman of the Board of Directors


Note: This review reflects the author’s personal interpretation and emotional response to the film. It is shaped by individual perspective, lived experiences, and the themes that resonated most deeply. While it offers one way of understanding the story, it welcomes diverse viewpoints and encourages readers to share their own insights, allowing the conversation around the film to grow richer and more meaningful.



Jerry Shangyin is a passionate LGBT advocate and multi-talented person. He is a creative and editorial writer, cartoonist, video editor, book author, and an engaging lecturer. Jerry is also a multilingual, a book collector, and a website developer, blending his love for literature, storytelling, and technology to create meaningful content. His work reflects a commitment to authenticity, social awareness, and creativity, making him a distinctive voice in both the LGBT community and the wider creative and academic landscape.


📸 Photo Credits: All images used in this article belong to their rightful owners. No copyright infringement intended. Credits to the original artists, photographers and creators.


Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.


HELP US CONTINUE OUR MISSION!


Comments


bottom of page