top of page

WORLD AIDS DAY: "Overcoming Disruption, Transforming the AIDS Response"

  • Writer: PRIDE.PULSE
    PRIDE.PULSE
  • Dec 1, 2025
  • 3 min read

Updated: Dec 11, 2025

Tuwing December 1, sabay-sabay na ipinagdiriwang ng buong mundo ang World AIDS Day bilang isang araw ng pag-alala, pag-asa, at pagkakaisa. Hindi lang ito simpleng date sa kalendaryo kundi isa itong paalala na ang laban kontra HIV ay laban nating lahat. Ito ay araw para kilalanin ang mga patuloy na nakikipaglaban, i-honor ang mga pumanaw, at ipanawagan ang isang mundo na mas makatao at mas inklusibo.



Ngayong 2025, dala natin ang temang “Overcoming disruption, transforming the AIDS response.” Sa unang tingin, parang technical at seryoso, pero malalim ang ibig sabihin ng temang ito.


Sa mga nakaraang taon, ang mundo ay dumaan sa matitinding pagsubok. Nariyan ang pandemya, kaguluhan, kahirapan, misinformation, at health systems na minsang bumigay at sumuko. Dahil dito, maraming HIV services ang na-delay. Marami din ang mga hindi nakapagpa-test, hindi nakapagpatuloy ng gamot, at may mga natakot humingi ng tulong dahil sa stigma.


Ang Overcoming disruption ay nangangahulugan lamang na kahit gaano pa kagulo ang mundo, hindi dapat maputol ang paglingap sa mga taong may HIV. Hindi dapat humina ang access sa testing, treatment, counseling, at suporta. Hindi dapat mawalan ng boses ang mga komunidad na matagal nang nasa laylayan. At syempre, sa gitna ng mga unos, dapat manatili ang pang-unawa at malasakit.


Samantala, pinapakahulugan naman ng Transforming the AIDS Response ang isang panawagan para baguhin, palakasin, at pagandahin pa ang paraan ng pagtugon natin sa HIV. Panahon na para gawing mas inclusive, mas mabilis, at mas accessible ang healthcare. Panahon na para bawasan ang hadlang, alisin ang stigma, at gawing ligtas ang bawat espasyo para sa mga nangangailangan ng tulong. Kasama rito ang pag-angat ng community-led programs, paggamit ng makabagong teknolohiya, at pagkakaroon ng mga policies na tunay na nagtatanggol sa dignidad ng bawat tao.


Sa mas simpleng salita:


Hindi sapat na bumalik tayo sa dati. Kailangan natin ng mas matibay, mas makatao, at mas progresibong tugon laban sa HIV.

Habang ginugunita natin ang World AIDS Day 2025, sana maalala natin na bawat numero ay may mukha, may pangalan, may kwento. May mga taong patuloy na lumalaban. May mga pamilyang umaasa. May mga kabataang nangangarap ng isang mundo kung saan ang HIV ay hindi na hadlang, hindi na kahihiyan, at hindi na sentensya.


Nasa ating lahat ang pag-asa at pagbabago. Sa pamamagitan ng tamang edukasyon, pagkakaisa, at tunay na malasakit, makakaya nating lagpasan ang anumang disruption at makapagbuo ng isang AIDS response na mas matatag kaysa kahapon.


At sa bawat puso na patuloy na tumitibok sa laban na ito, maraming salamat. HINDI KA NAG-IISA.


WORLD AIDS DAY: "Overcoming Disruption, Transforming the AIDS Response"


Written By: PRIDE.PULSE

FTS Lobo Writers Guild



PRIDE.PULSE is the official group of talented writers behind the articles, stories, and written pieces of FTS Lobo Organization Inc. Dedicated to truthful storytelling and meaningful advocacy, Pride Pulse captures the heartbeat of our community through thoughtful narratives and empowering content. As proud members of FTS Lobo, they bring their lived experiences, creativity, and commitment to service into every piece they write, amplifying the voices of the LGBTQIA+ community and strengthening the organization’s mission of inclusivity, awareness, and unity.


Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.


HELP US CONTINUE OUR MISSION!



Comments


bottom of page