top of page

EDITORIAL: Respect Is Not Complicated. Pero Bakit Parang Oo?

  • Writer: Jerry Shangyin
    Jerry Shangyin
  • Dec 9, 2025
  • 3 min read

Palagi kong pinaniniwalaan na ang karapatang pantao ay hindi lang nabubuhay sa mga batas, deklarasyon, o malalaking talumpati. Nabubuhay ito sa kung paano tayo kumilos at makitungo sa isa’t isa araw-araw. Kaya minsan, napapaisip ako kung bakit ang simpleng respeto na isang bagay na dapat automatic para sa lahat, ay parang nagiging bihira at pahirapan pa ring maibigay para sa maraming LGBTQIA+ individuals?


Madalas nating ilarawan ang equality na parang malaking laban sa korte o sa kongreso. Pero sa totoo lang, minsan nagsisimula ito sa pinakamaliit na bagay tulad na lamang ng paggamit ng tamang pronouns, hindi pagtawa sa biro na nakakasakit, o pagtayo at pagsabi ng, “Hindi tama ‘yan,” kahit ikaw lang ang may lakas ng loob sa grupo.


Hindi complicated ang respeto. Hindi mo kailangan ng pera, posisyon, o titulo para gawin ito. Ang tanging kailangan lang ay puso.


Pero hanggang ngayon, maraming LGBTQIA+ ang pumapasok sa mga espasyong kailangan pa nilang magtago, mag-adjust, o magpaliit ng sarili para maging “ligtas.” Kailangan pa nilang magtanong sa sarili, “Tatangapin ba ako? Pag-uusapan ba ako? Pagtatawanan ba ako?” At lahat ng iyan ay dahil may mga taong hindi kayang ibigay ang basic na dignidad na nararapat sa bawat tao.


Nakakainis kasi ang dali sana ng solusyon. Respeto. Isang simpleng salita, pero napakalaki ng epekto.


Isang tamang pagbanggit ng pangalan, at biglang may taong makakaramdam na “I am seen.” Isang hindi pagtawa sa homophobic na biro, at biglang may taong mararamdamang “Mas ligtas ako dito.” Isang maliit na hakbang ng kabutihan, at biglang may taong mararamdaman ang bigat na nabawasan.


Hindi lang ito good manners.

Ito ay proteksyon.

Ito ay pagkilala.

Ito ay pagtanaw sa tao bilang tao.


Kung talagang gusto natin ng mundong mas ligtas at mas mabuti, kailangan natin simulan sa mga simpleng bagay.


Inclusive na salita.

Pagwasto sa maling ugali.

Pagtiyak na walang LGBTQIA+ na kailangang lumaban mag-isa para lang maramdaman na may lugar sila.


Hindi dapat pinipili ang respeto. Hindi dapat pinagbabase sa hitsura, pagkatao, o kung sino ang mahal mo.Dapat ito ang simula, hindi ang gantimpala.


Ang pangarap ko?

Na sana dumating ang panahon na hindi na kailangang maging matapang ang isang LGBTQIA+ person para lang maging totoo sa sarili. Na sana maging sapat na ang kabutihan ng mundo para maramdaman nilang ligtas sila. At sana, matutunan natin ang simpleng katotohan na ang karapatang pantao ay nagsisimula sa kung paano tayo makitungo sa isa’t isa, kahit pa sa mga pagkakataong walang nakakakita sa atin.


EDITORIAL: Respect Is Not Complicated. Pero Bakit Parang Oo?


An Editorial by: Jerry Shangyin

FTS LOBO-Chairman of the Board of Directors


Note: This article reflects the author’s own thoughts and interpretations, shaped by personal perspective and experience. It is written with the intention of offering insight, inviting reflection, and opening space for meaningful conversation with readers. While it carries the author’s voice, it also welcomes diverse viewpoints that enrich the dialogue.



Jerry Shangyin is a passionate LGBT advocate and multi-talented person. He is a creative and editorial writer, cartoonist, video editor, book author, and an engaging lecturer. Jerry is also a multilingual, a book collector, and a website developer, blending his love for literature, storytelling, and technology to create meaningful content. His work reflects a commitment to authenticity, social awareness, and creativity, making him a distinctive voice in both the LGBT community and the wider creative and academic landscape.


Want your story featured? Email us! We’re always listening. Stay tuned for more stories, features, and behind-the-scenes updates from the heart of FTS LOBO. Let’s continue making spaces that heal, celebrate, and empower. FTS LOBO—Where Every Identity Finds a Home.


HELP US CONTINUE OUR MISSION!



Comments


bottom of page